LEGAZPI CITY – Magmula noong nagsimulang mag-alburoto ang Bulkang Mayon at palikasin ang mga residenteng apektado nito sa Albay, nagsimula na ring ang pwersa ng pulisya sa pag-aktivate ng kani-kanilang task force groups upang tiyakin ang seguridad ng mga inililikas na residente maging sa mismong evacuation centers ng mga ito.
Nagsimula na ring i-deploy ng PNP ang kanilang mga tauhan upang tumulong sa mga operasyon at magbantay.
Dahil dito, kinumpirma ni Albay Police Provincial Office Provincial Director PCol. Fernando Cunanan sa isinagawang press briefing kahapon na umabot na sa kabuuang bilang na 220 police personnels ang naka-delpy sa lahat ng mga evacuation centers sa lalawigan.
Ayon kay Cunanan, mayroon umanong patrol units mula sa marital groups at sa 9th Infantry Batallion na nagpapatrolya sa mga evacuated barangays.
Samantala, kinumpirma rin ni Cunanan na ang kanyang mga tauhan ay nahihirapan sa pagsisita lalo na sa mga magsasaka dahil sa kanilang kagustuhang makabalik sa kani-kanilang mga lugar.
Kapag umaga, mayroon pa rin umanong mga magsasaka na nakakapasok sa 6 kilometers permanent danger zone ngunit kontrolaldo pa rin, aniya, ng PNP at pagsapit ng alas kwatro ng hapon, pinapaalis na ang lahat.
Sa kabila nito, bukas pa rin ang kanilang police assistance desks bawat evacuation centers upang tanggapin ang lahat ng concerns ng mga evacuees.