LGU Ligao City, naglagay ng communal garden sa evacuation center

LEGAZPI CITY – Naglagay ng communal garden ang lokal na pamahalaan ng Ligao City sa evacuation center nito na matatagpuan sa Brgy. Basag at mayroon pang isa sa Provincial Camp Site.

Ayon sa LGU, layunin nitong isulong ang pakikilahok ng komunidad at katatagan kasama pa ang seguridad sa pagkain para sa mga evacuees.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Saad naman ng mga evacuees na mula sa Brgy. Baligang, ang pagtatanim sa bakanteng lote ng evacuation center ay malaking tulong para sa kanilang pananatili rito.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Anila, isa sa mga dahilan ay mayroon na silang mapagkukunan ng sariwang mga gulay na maaring lutuin sa pang araw-araw.

Sa ngayon, magandang hakbang umano ito upang matiyak ang maayos at magandang kalusugan ng mga inilikas at ng buong komunidad.