Batangas City – Sa katatapos lamang na Kapihan sa Bagong Pilipinas kasama ang Department of Agriculture CALABARZON, kinilala ang bayan ng Nasugbu, Batangas bilang isa sa may malaking kontribusyon pagdating sa mga agri-products sa buong rehiyon.
Ayon kay Nasugbu, Batangas Mayor Antonio Jose Barcelon, dahil aniya ito sa kanilang mga lupain na nakalaan para sa mga agri-products, na nasa pitumpung porsyento ng buong bayan.
Ilan sa mga kilalang produkto ng Nasugbu ay sugarcane o tubo na siyang ginagawang asukal, mga palayan na tinatayang mayroong limang libong ektarya sa buong bayan at maging mga high value crops na mga pananim.
Samantala, nagpasalamat naman ang alkalde sa mga tulong ng Department of Agriculture sa kanilang bayan, upang makamit ang mataas na produksyon ng iba’t ibang agri-products.