Mahigit 200 ektarya ng sakahan sa San Fernando Camarines Sur nataniman na

NAGA CITY – Umabot na sa halos 200 ektarya ng sakahan sa San Fernando, Camarines Sur ang natamnan ng palay ng magsimula ang pag-uulan-ulan, Mayo hanggang ngayong Hulyo, ayon sa talaan ng Municipal Agriculture Office kaugnay na rin sa patuloy nilang pagbibigay ng libreng palay seeds sa mga magsasaka, bilang kanilang suporta.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Allan Salvador, Municipal Agriculturist Officer, sinabi niyang natubigan na ang water source nila pati na rin ang mga palayan dahil sa pag-uulan, ang dating mga tuyong sakahan ay natutubigan na.

Nabanggit ni Salvador na ang istilo ng pagtatanim ng palay ng mga magsasaka nila ay iyong “patiprak” o ang ibig sabihin ay isinasaboy lamang ang mga binhi ng palay sa nakahanda ng palayan, mas tipid ito keysa sa pagtatanim na “dalugi” na marami pang proseso ang dinadaanan bago itanim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *