Mga paaralan, muling pinaalalahanan sa no collection policy ngayong enrollment

CAMARINES SUR – Muling ipinaalala sa mga paaralan ngayong enrollment para sa School Year 2024-2025 ng Department of Education Camarines Sur na bawal ang mangolekta ng kahit na anong kontribusyon o no collection policy.

Sa panayam kay Salvador Pelingon, Schools Division Officer, bawal ang anumang pangungolekta, collectibles, lalo na sa PTA at ilang proyekto sa paaralan, sa mga mag-aaral at mga magulang na magiging hadlang ng hindi pag-enroll ng isang bata sa dahilan na wala itong pambayad, o kaya naman hindi ito maaaring dahilan upang hindi pa buo ang grado ng isang mag-aaral.

Dagdag pa ng opisyal hangga’t maaari kasi iniiwasan nilang magkaproblema ang mga bata at hangaring dapat makapag-enroll lahat ng mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *