Mahigit 1M na halaga ng iligal na droga, nasabat sa 2 araw na operasyon ng NCRPO

Mahigit isang milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa dalawang araw na ikinasang anti-illegal drugs operation.

Ayon kay NCRPO chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr., sa ikinasang sa 22 police operations mula July 6 at 7 , nasa 35 drug personalities ang naaresto.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Kabilang sa mahigit P1 milyong pisong halaga ng iligal na droga na nasamsam ang 194. 29 na gramo ng hinihinalang shabu at 2 na gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Nahaharp na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek. (BRIGADA INTERN KHEN ALIX)