Senador Go, tiniyak na sasagutin nila sa Korte Suprema ang inihaing plunder case laban sa kanila ni ex-PRRD

Iginiit ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na malinis ang kanilang konsensya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ito sa inihaing plunder case laban sa kanila ni dating senador Antonio Trillanes.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Anya, uso lang talagang siraan ng iba ang isang politiko lalo na’t nalalapit na ang panahon ng eleksyon.

Kaugnay nito, tiniyak niya na handa naman silang sagutin sa tamang forum o Korte Suprema ang inihaing kaso laban sa kanila.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Maalala, ayon kay Trillanes, maliban pa rito ay mayroon pa silang ibang kasong ihahain kay Go at Duterte.