NAGA CITY—Simula nang umarangkada ang vaccination program ng mga LGU, ay kaniya-kaniyang ng pakulo ang mga establishemento maging ang ilang gasolinahan sa Naga City at Camarines Sur kung papano makakahikayat ng mas maraming customer na mga bakunado na.
Gaya ng isang gasoline station sa Barangay Del Rosario, Naga City na namimigay ng discount sa bibilihin na lubricant ng mga sasakyan basta may maipakita lang ang vaccination card na nagpapatunay na sila ay fully vaccinated na.
Mayroon ding kilalang restaurant sa Diversion Road ng Naga na may discount din sa order.
Sa bayan naman ng Tigaon, may isang restaurant sa Barangay Poblacion na nag-incentivize sa mga vaccines.
Libreng soda sa bawat meal o o-orderin basta magpakita lang din ng kanilang mga vaccination card.
Paraan daw nila ito para maipakita ang pakikiisa at panghihikayat narin sa iba pa na magpabakuna na upang makamit ang herd immunity at tuluyang malabanan ang COVID-19 pandemic.