Mahigit 17K na mga paaralan sa bansa, apektado na ng Bagyong Kristine

Umabot na sa 17,764 na mga paaralan sa buong bansa ang apektado ng bagyong Kristine.

Ayon sa huling datos na inilabas ng Department of Education (DepEd), mahigit 7.3 milyong mga mag-aaral habang 344,000 na mga guro at non-teaching staff ang apektado mula sa 12 rehiyon sa bansa.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Kabilang sa lugar na apektado ay ang CAR, Region 2-3, Region 4A at 4B, Region 5-12.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Nasa apat naman na paaralan ang binaha sa Romblon, Sorsogon, at Leyte.

Samantala, inaasahan pa ang bilang ng mga paaralan na maaapektuhan ng bagyong Kristine sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.