Pinabulaanan ni Apollo Quiboloy ang mga akusasyon ng mga testigo laban sa kaniya na ‘di umano’y biktima sila ng sexual abuse gamit ang relihyon.
Hamon ng televangelist – sasagutin niya ang mga ito sa tamang Korte kaya dapat ay mag-file ng kaso ang mga biktima laban sa kaniya.
Pinasinungalingan din nito ang mga alegasyong pinaglilimos niya ang mga miyembro ng KOJC.
Wala rin umanong katotohanan ang pangto-torture, pati na rin ang tinatawag na ‘dry fast’ na isa-isang kinuwento ng mga biktima sa Senado.
Tumanggi naman siyang magsalita nang matanong kung may polisiya ba siya sa sapilitang pagkakasal dahil mayroon nang kaso para rito.
Sinabi pa nitong ‘imbento’ lang ang sinasabing ‘Angels of Death’.