Mahigit 165,000 Cam Norteños, hindi pa bakunado kontra COVID- 19

Umaabot pa sa 165, 052 Cam Norteños o katumbas ng 32. 44 percent sa target population na 508, 737 ang hindi pa bakunado kontra COVID- 19.

Batay ito sa datos ng Camarines Norte Provincial COVID- 19 Vaccination Operation Center hanggang alas 8 ng umaga, Abril 27.

Ang bayan ng Paracale ang may pinakamataas na porsiento ng hindi pa nababakunahan na may 44. 58 percent na sinusundan ng Sta Elena na may 43. 01 percent at Jose Panganiban na may 39. 56 percent

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa kabilang dako ang bayan ng San Vicente na isa sa dalawang bayan sa lalawigan na nasa Alert Level 1 na ay nasa 4. 62 percent na lang ng target population na 9, 067 ang hindi pa nababakunahan.

Ang kabiserang bayan ng Daet na nasa ilalim na rin ng Alert Level 1 ay nasa 17. 81 percent na lang ang hinahabol sa target population na 91, 401

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nakapagtala ang lalawigan ng 298, 039 total 1st dose, 309, 611 total second dose kasama ang Janssen, at 45, 646 sa single shot na Janssen.

Ang total vaccinated o nakatanggap na ng 1st at 2nd dose ay nasa 607, 650 sa 508, 737 na total projected population.