CHR-Bicol, nanawagan sa publiko na i-report sakanilang tanggapan ang anumang insidente ng ‘human rights violation’ ngayong election period

BNFM BICOL—Nanawagan sa publiko si Commission on Human Rights o CHR-Bicol Regional Director – Atty. Arlene Alangco, na agad ipaalam sakanilang tanggapan sakaling magkaroon ng insidente ng pang-aabuso o bayolasyon sa karapatang pantao ngayong nagpapatuloy ang election period.

Read More:  PCG investigates source of oil spill in Mariveles, Bataan

Ayon kay Alangco, hindi umano magiging kampante ang kanilang opisina sakabila ng walang naitatalang kaso ng ‘human rights violation’ sa rehiyon buhat nang magsimula ang election period nitong buwan ng Enero.

Read More:  Motorcycle rider dies in Toledo City collision with armored van

Hindi rin aniya nangangahulugan na mag de-deklara ang CHR ng ‘no human rights violations o election related  offenses’ dahil dito, kung kaya’t patuloy nilang hinihingi ang kooperasyon ng publiko para mabigyan ng aksyon sakaling may maganap na mga katulad na insidente.###