Iniulat ng Department of Science and Technology- Food and Nutrition Research Institute o DOST-FNRI na nasa 12.1% ng mga school age children sa bansa o nag eedad 6-12 years old ay may anemia.
Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni Kim Irvin Protacio ang MSC Science Research Specialist II ng DOST-FNRI na katumbas ito ng isa sa sampung bata ay nagtataglay ng naturang sakit, batay sa national nutrition survey na isinagawa noong 2018 hanggang 2019.
Dagdag ni Protacio, maikokonsidera anya itong public health problem of mild significance.
Base rin anya sa bagong pag aaral sa US, ang mga batang nag eedad 6-9 ay mas malaki ang tyansa na maging anemic dahil nag uundergo pa sila ng tinatawag na rapid growth and development kaya kailangan ng kanilang katawan ng mas maraming iron.
Ang mga bata na hindi kasama sa 4PS ang kanilang pamilya o sa National Dietary supplementation program ay mas malaki rin ang tyansa na magkaroon ng anemia.
Maaari ring magdulot ng iba’t ibang komplikasyon ang anemia tulad ng impaired cognitive functioning and development, maaapektuhan din nito ang school performance ng bata, bumababa ang resistensya sa impeksyon, at apektado rin ang kanilang human capital development.
Kaya pinapayuhan ni Protacio ang mga magulang na gumamit ng food guides sa pagpapakain ng kanilang mga anak, upang maibigay ang sapat na sustansya lalo na sa mga iron rich food tulad ng karne, at palakasin ang pagtutok sa regular na konsulta ng kanilang mga anak.