Mahigit 1000 OFW mula sa Lebanon, inaasahang sa makauwi sa Pilipinas bago matapos ang taon

Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na inaasahan nilang aabot sa mahigit 1000 ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na mapapauwi sa Pilipinas dahil sa nangyayaring sigalot sa Lebanon.

Ito ay kasunod nang mahigit 500 pang mga Pilipino sa Lebanon na nagpahayag na gusto na nilang umuwi sa bansa para masiguro ang kanilang kaligtasan at ang nasa 600 ang napauwi sa Pilipinas mula sa naturang bansa.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ayon kay Migrant Secretary Hans Leo Cacdac, marami pa ring mga Pilipino ang naka-antabay sa Lebanese Immigration para sa kanilang pag-uwi.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kung maaalala, una ng sinabi ng kagawaran na hindi titigil ang gobyerno sa pag-gawa ng paraan upang malilikas ang mga OFWs na apektado ng lumalalang sigalot sa Middle East.