Mahigit 1,000 naka-comply na ng requirements para sa bagong MTOP sa Koronadal

KORONADAL — UMAABOT lamang sa 1,090 mula sa 3,163 na mga slots na binuksan ang mga nakapasa at naka-comply na ng mga requirements o mga dokumentong kinakailangan para sa application ng bagong prangkisa ng tricycle sa Koronadal.

Ito ang kinumpirma ni City Franchising Officer Karen Kleitz Pacardo sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Paliwanag ni Pacardo na kunti lamang ang bilang ng mga hindi na-kwalipika at karamihan sa mga ito ay hindi updated ang rehistro ng tricycle.

Tatlong rason naman ang nakikita ni Pacardo na posibleng dahilan kung bakit mababa ang turn-out ng MTOP application na kinabibilangan ng hindi kwalipikado ang aplikante; walang kaukulang dokumento; at hindi interesado.

Napag-alaman na umaabot sa ngayon sa 4,000 ang aktibong prangkisa ng tricycle sa Koronadal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *