KORONADAL CITY — UMAABOT sa 150 na mga pamamahay o benepisyaryo sa Barangay San Jose, Koronadal City ang nakatanggap ng Solar Panels sa ilalim ng Project Tala ng Technical Education Skills and Development Authority o TESDA-12.
Ito ang kinumpirma ni Bienvinido Solano Jr. Administrator ng Provincial Training Center o PTC Surallah sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.
Ayon kay Solano, ang naturang mga benenisyaryo ang kabilang sa programa ng End to Local Communist Armed Conflict o ELCAC dahil maituturing umano na may presensiya ng rebelbe ang kanilang mga lugar.
Una rito, sumailalim sa training workshop ang mga benepisyaryo upang sila mismo ang magkakabit ng mga natanggap na solar panels.
Dagdag ng opisyal, na nakatanggap din ang mga ito ng training, internet at PPEs allowances na umaabot sa pangkalahatang pondo na P3-Million.
Kaugnay nito, magbabalik din umano ang mga kawani ng TESDA sa kanilang lugar upang ma-monitor ang naturang proyekto ng ahensya.
