Nagtulong-tulong sa paglilinis ang mahigit sa isandaan stake holders sa Subic Bay Freeport Zone.
Ito ay para mapanatiling malinis ang mga baybaying sakop ng Freeport at maging maganda ang imahe sa mga turista.
Bukod sa mga port areas ay nagsagawa rin ng clean up drive sa isang bahagi ng San Bernardino Road na isa sa madalas pasyalan ng mga bisita.
Samantala, nakiisa rin sa paglilinis ang Philippine Coast Guard, Subic International Grain Terminal Services, Aim High at iba pa.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: SBMA Media Production
