Aemilianum College of Law may bagong 14 na abogado

SORSOGON CITY – Muli na namang napatunayan ng Aemilianum College Inc. (ACI) College of Law ang pagiging mahusay nito na eskwelahan pagdating sa legal education o abogasya, ito ay matapos magkaroon ng bagong 14 na bar passers noong November 2020-2021 Bar Examination.

Ang mga ito ay sina Peter Angelo J. Jolloso, Faith T. Marbella, Rhea J. Olayres, Daniel John D. Lachica, Oscar Martin P. Gacias, Roger Joseph B. Erestain Jr., Sandra C. Ferwelo, Nathaniel A. Banares, Mary Joy C. Bongapat, Armi E. Guansing, Albert G. Frades, Klem-Ar A. Reniva, Jonard A. Herrera at Jothan B. Detecio.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon sa Supreme Court, mula sa 11, 402 na kumuha ng pagsusulit, 8, 155 ang mapalad na nakapasa o katumbas ng 72.28% ang nakapasa.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

May kabuuang 761 ang nasa exemplary list, o ang mga nakakuha ng matataas na marka mula 85% hanggang 90%. Samantala, 14 ang nasa excellent list o nakakuha ng marka na mas mataas sa 90%. Ito ay kapalit ng tradisyonal na Top 10.

Itinuturing pa rin ang Philippine Bar Examinations na isa sa pinakamahirap na licensure examination.