Tumanggap ng local social pension ang 127 na mga senior citizen ng Olongapo City kaninang umaga.
Pinangunahan ni Mayor Rolen Paulino Jr., ang distribusyon na isinagawa sa Session Hall ng lungsod.
Ang kanilang natanggap ngayong araw ay P 2,100 pesos para sa buwan ng Abril hanggang Hunyo.
Ang pondo ay mula sa Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office.//Jen Bayot
Photo: Olongapo City Information Center
