BICOL – NAGTALA ng bahagyang pagbaba sa mga bagong nagpositibo sa covid-19 ang rehiyon, base sa latest report ng Department of Health-Bicol.
Pero ayon sa ahensya, ito ay dahil sa nag shut down ang karamihan sa mga laboratoryo kahapon para bigyang daan ang disinfection kung kaya’t kakaunting specimen lamang umano ang nasuri na pawang mula lamang sa BMC at DOH-SNRL.
Dahil ditto, asahan umano ang posibleng pagtaas ng mga maitatalang kaso sa mga susunod na araw.
Sa 135 na mga bagong kaso kahapon, ang lalawigan pa rin ng Camarines Sur ang nagtala ng pinakamaraming kaso sa 81 kung saan may 15 ang Naga City; 9 sa Pili; magtigpi-pito ang Iriga, Magarao at Nabua; San Fernando na may lima; apat sa Canaman; 3 sa Gainza at Minalabac; may tigda-dalawa ang mga bayan ng Baao, Bato, Calabanga, Libmanan, Ocampo at Pasacao habang may tig-iisang kaso ang bayan ng Bula, Camaligan, Goa, Milaor, Pamplona, Ragay, San Jose, Siruma at Tinambac.
Nagtala naman ng 32 mga bagong kaso ang lalawigan ng Albay kung saan mayroong 16 ang Guinobatan, Legazpi City na may 5; 3 sa Tiwi; 2 sa Polangui at may tig-iisang bagong kaso ang Bacacay, Daraga, Ligao City, Malilipot, Rapu-rapu at lungsod ng Tabaco.
Sampung bago kaso naman ang nadagdag sa Masbate kung saan 5 sa mga ito ang naitala sa Masbate City; 2 sa bayan ng Aroroy at may tig-iisa ang mga bayan ng Cataingan, Cawayan at San Fernando.
Mayroong namang anim ang islang lalawigan ng Catanduanes kung saan tatlo sa mga bagong kaso ay naitala sa bayan ng Virac at may tig-iisang kaso ang Caramoran, Pandan at Viga habang anim din ang mga bagong kaso ng sakit na naitala sa Sorsogon kung saan may tig-dalawang kaso ang Bulan at Donsol at may tig-isang bagong kaso ang bayan ng Pilar at Sorsogon City.
Zero new case naman ang lalawigan ng Camarines Norte na bigo rin makapagpadala ng mga specimens. Kung kayat sa kasalukuyan pumapalo na sa 55,170 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Samantala, umakyat sa 44,557 ang total recoveries matapois magtala ng 390 ang mga bagong nakarekober kung saan 249 ang naitala sa Camarines Sur, 118 sa Sorsogon at 23 sa Catanduanes.
Wala namang naiulat na bagong nasawi kung kayat nananatili sa 2,029 ang death toll o 3.7% ng total covid-19 cases sa kabikulan.