LEGAZPI CITY – Mahigit sa 100 na mga pasyente ang nakapag-avail ng libreng checkup, laboratory tests at dental checkup sa isinasagawang Arangkada Banwa Mobile Lab and Clinic (ABMLC) sa Bañadero Covered Court bayan ng Daraga Albay.
Ayon sa Local Government Unit (LGU) Daraga, umabot na sa isang daan at limampu’t pitong mga pasyente ang nag-avail ng mga ito sa 2nd day ng ABMLC sa nasabing lugar.
Maliban sa sentro ng Daraga, pinupuntahan rin ng RHU ang mga malalayong barangay upang ma-avail ang mga resident ng nasabing programa.
Dahil ditto, sa programa ng LGU ay matutulungan na ang mga residente pagdating sa kalusugan. Paalala ng local na pamahalaan sa mga nagnanais mag-avail ng ABMLC na kinakailangan magdala ng – Valid ID, Certificate of Indigency at – Doctor’s Request kung mayroon na.