PED Albay, ipinagpatuloy ang pamamahagi ng educational assistance sa mga benepisyaryo

LEGAZPI CITY – Dinagsa ng mga mag-aaral ang Albay Provincial Treasurer’s Office nang ipagpatuloy ng Provincial Education Department (PED) ang pamamahagi ng educational assistance kahapon.

Sa impormasyon mula sa Provincial Government of Albay, mahabang pila umano ng mga mag-aaral ang makikita kahapon dahil sa pagrelease ng nasabing asistensiya para sa unang batch nito.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Bawat benepisyaryo umano ay makakatanggap ng 2,000php depende sa budyet na nakalaan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Humigit-kumulang 800 ang mga benepisyaryo mula sa primary hanggang tertiary ang nakatanggap ng tulong.

Samantala, pinaalalahanan naman ng PED ang publiko na pansamantala muna pa ring suspendido ang pag-apply sa educational assistance dahil sa dami ng naunang nag-apply.