LEGAZPI CITY – Aabot sa P3.5M ang naitalang gross sales income sa taong 2021 ng pinagsamang milk feeding program at commercial milk products.
Ayon kay Ninive Latigay, manager ng Albay Dairy Plant, umaaasa sila ngayon na maabot nito ang gross sales income para sa taon 2022.
Sa ngayon, karamihan, ang kinikita ng planta ay mula muna sa commercial products na umaabot sa mahigit siyam na raang libumpuso ang kita simula sa buwan ng Enero hanggang buwan ng Setyembre ng kasalukuyang taon.
Dagdag pa nito, magsisimula pa lamang umano na magsagawa ng milk feeding program sa mga paaralan matapos matigil ito nang ilang buwan.
Malaki ang maitutulong ng pagpapainom ng gatas mula sa Albay Dairy Plant na isinasagawa sa mga paaralan upang mawala na umano malnutrition. Sinabi ng opisyal, naghihintay na lamang ang Albay Dairy plant na maituloy ang ginagawa sa mga paaralan na feeding program.