Mahigit 100 pamilya inilikas sa lungsod ng Masbate dahil sa bagyong Jolina; damage assessment nagpapatuloy

SORSOGON CITY – Umabot sa 109 na pamilya o 510 na indibidwal ang inilikas mula sa 6 na barangay sa lungsod ng Masbate bilang pag-iingat sa pananalasa ng bagyong Jolina.

Ang inilikas na mga residente ay nakatira sa flood prone areas. Dinala sila sa iba’t-ibang evacuation centers.

Sa Brgy Nursery ang may pinakamaraming pamilya na inilikas at temporaryong dinala muna sa Nursery Elementary School, kung saan umabot ang mga ito sa 69 na pamilya o 300 indibidwal.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa Brgy Ibingay naman ay may inilikas sa Restituto Medina Elem. School na isang pamilya na kinabibilangan ng 8 katao habang sa Barangay Hall sa Brgy Espinosa ay may inilikas na 6 na pamilya o 25 katao.

Sa Brgy Kinamaligan ay 9 na pamilya o 48 indibidwal habang sa Brgy Tugbo ay may inilikas na 6 na pamilya o 31 katao na pansamantalang nanatili sa Tugbo Elementary School habang sa Tugbo Covered Court ay may naitalang 18 pamilya o 98 katao.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM-Sorsogon sa isang opisyal ng CDRRMO na si Alexis Duran Mabini, sinabi nito na wala pa silang natatanggap na ulat hinggil sa mga pinsala sa infrastructure, agrikultura at livestock.  Sa kanilang inisyal na assessment may naitala na silang 12 bahay na totally damaged sa Brgy Tugbo habang wala pang ulat sa ibang barangay.

Ngayong araw ay magpapatuloy ang kanilang typhoon damage assessment.