Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang katiwalian sa pagbili ng pamahalaan ng mga personal protective equipment noong unang bahagi ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang talk to the people ngayong umaga, sinabi ni Pangulong Duterte na siya mismo ang nag-utos sa Department of Health na bilisan ang pagbili ng mga PPEs dahil noong panahon na iyon ay may mga namamatay nang mga health workers dahil sa virus.
Dagdag pa ng Pangulo wala din nilabag na batas ang pamahalaan dahil pinapayagan naman ang hindi pagsasagawa ng bidding sa panahon ng emergency batay na rin sa Bayanihan 1 at Bayanihan 3.
Binigyan diin din ng Punong ehekutibo na regular silang nagpapasa noon ng report sa Kongreso kung paano ginasta ng ang COVID-19 response fund kaya palaisipan umano kung bakit ngayong lang ito nag-iingay kung kailan malapit na ang eleksiyon.
Tanong ni Pangulong Duterte sa ilang mambabatas ‘in aid of legislation’ o ‘in aid of election’ ang ginagawa nitong pag-iimbestiga.
