Mahigit 100 na manggagawa sa 29 na barangay sa Lungsod ng Legazpi ang nagging benepisyaryo na TUPAD program- DOLE Bicol

LEGAZPI CITY – Aabot sa 144 na apektadong manggagawa sa 29 na barangay sa lungsod ng Legazpi ang natulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD.

Pinangunahan ni Provincial Head Cherry B. Mosatalla katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) ng Legazpi City na pinangangasiwaan ni Mr. Diosdado Rañeses at ang Sangguniang Bayan ng Legazpi bilang Accredited Co-Partner (ACP) na pinamumunuan ni Mayor Noel Rosal.

Sa isinagawang seremonya ng oryentasyon sa Bagumbayan Elementary School, na dinaluhan ng mga konsehal at Senior Labor and Employment Officer, Ching B. Banania.

Nagsagawa rin ng pangunahing talakayan tungkol sa magiging trabaho ng mga TUPAD workers kung saan ipinaliwanag ang naturang mga gawain, kasunduan, polisiya, COVID-19 safety protocols, at iba pang mga tungkulin na dapat gampanan ng mga benepisyaryo.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Bukod dito, namahagi rin ng Personal Protective equipment (PPE) katulad ng TUPAD shirts, sumbrero, face mask, at personal hygiene kits na magsisilbing proteksyon ng mga manggagawa habang nagtatrabaho.

Nagkaroon din ng pormal na pirmahan ng kontrata at kasunduan sa pagitan ng DOLE at mga napiling benepisyaryo.

Makakatanggap ng P3,100 ang bawat manggagawa kapalit ng 10 na araw na pagtatrabaho sa komunidad sa loob lamang ng apat na oras bawat araw.

Kabilang dito ang paglilinis at pagdi-disinfect ng mga public facilities sa kanilang lugar.

Samantala, nagagalak namang sinabi ni Regional Director Ma. Zenaida A. Angara-Campita na sa kabila ng mga kinakaharap na sakuna ay mas lalo pang pina-iigting at pinalalakas ng DOLE ang paghahatid ng serbisyong TUPAD at iba pang mga programa upang makatulong sa mabilisang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Aniya, nais nitong ipadama sa mga manggagawa na nasa impormal na sektor at higit na nangangailangan, na sa panahon ng kagipitan at mga suliranin sa trabaho o kabuhayan na, palaging ang presensya ng DOLE upang tumulong at magbigay ng inspirasyon sa karamihan.

Dagdag pa nito, ang pagpili ng mga babaeng benepisyaryo sa TUPAD Program ay isa sa mga pinalalakas na adbokasiya ng ahensya upang bigyan ng pantay na pagkilala ang mga kababaihan sa larangan ng trabaho.

Ang programang TUPAD ng DOLE ay ang pangunahing programang nagbibigay ng emergency employment at alternatibong trabaho sa mga naapektuhan ng sakuna at kalamidad.