Provincial government ng Albay nagsagawa ng libreng medical, optical, dental mission at vaccination sa barangay Buyoan, Legazpi City

LEGAZPI CITY – Nagsagawa muli ang Provincial Government ng Albay ng libreng medical, optical, dental mission at vaccination sa Barangay Buyoan lungsod ng Legazpi.

Ito ang inihayag ni Danny Garcia, angng tagapagsalita ng Gobernador Al Francis Bichara ng Albay sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon Kay Garcia, ito na ang pangalawang aktibidad na ginawa upang maibigay ang pangangailangan na libreng serbisyo para sa mga residente ng nasabing barangay.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Aabot rin sa mahigit 1K ang benepisyaryo ang nasilbihan ng nabanggit na programa.

Aniya, matagal na rin itong ginagawa ang programa ng Pamahalaang Panlalawigan dahil hindi lahat ng residente ay mayroong kakayahan na magpakunsulta sa mga pribadong ospital.

Malaking tulong na rin ang ibinibigay na serbisyo sa panahon ngayon pandemya dahil sa marami ang nawalan ng trabaho at marami ang nangangailangan ng tulong pagdating sa medikal at iba pa.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Maliban pa rito, nagsagawa rin ng pagbabakuna sa Barangay Buyoan ang Local na Pamahalaan katuwang ang Provincial Health Office (PHO) Albay, Department of Health (DOH) at iba pa kung saan marami pa ang hindi pa nababakunahan sa lungsod.

Sinabi ng opisyal, target na rin ng Provincial Government na magsagawa ng medical, optical, dental mission at vaccination sa Barangay Bonga at Mabinit ng Legazpi.