Russia tuluyan nang itinigil ang gas export sa Poland at Bulgaria

Tuluyan nang itinigil ng Russian energy giant Gazprom ang gas export nito sa Poland at Bulgaria dahil sa pagtutol nito ng pagbabayad ng supplies gamit ang roubles .

Nanindigan ang kompanya na magbabalik lang ang serbisyo nila oras na mabayaran sila gamit ang Russian currency.

Read More:  Rescuers continue search for more victims after deadly high-speed train collision in Spain

Una nang inihayag ni Russian President Vladimir Putin sa mga tinukoy niyang “unfriendly” countries na dapat magbayad ang mga ito ng gas gamit ang kanilang pera.

Read More:  Costa Rica opens mega-prison for 5,100 inmates amid rising crime

Nanindigan ang Russia sa kanilang unang pahayag na hindi sila papasok sa anumang transaksyon kung hindi sila babayaran gamit ang roubles.

Kinumpirma naman ng Poland na natigil na ang supply ng gas sa kanilang bansa habang wala pang pahayag ang Bulgaria.