Official website ng Kongreso, pinasok ng mga hackers

Na-hack ang official wesbite ng House of Representatives kahapon, na may mga sumusunod na mensahe sa homepage nito.

Nakasaad rito ang mensaheng, “Na-hack ka. Have a nice day,” na may caricature ng isang tumatawang meme.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Hindi na ma-access ang website sa ngayon matapos ang hacking incident na pinangunahan ng grupong 3MUSKETEERZ (three musketeers).

Agad naman itong kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco, at sinabing nagsagawa na sila ng mga agarang hakbang upang matugunan ang isyu.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Nakikipagtulungan na rin ang Kongreso sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), at iba pang ahensya.

READ MORE:

DICT, iniimbestigahan ang pag-hack sa official website ng Kamara