Mahigit 100 Healthcare Workers sa Camarines Norte isinailalim sa COVID- 19 test noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 136 na healthcare workers sa Camarines Norte ang kinuhaan ng specimen samples o isinailalim sa COVID- 19 test noong nakaraang lingo.

Ayon kay  Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang mga ito ay nanggaling sa iba’t- ibang munisipyo, hospital at health facilities partikular ang mga nasa Epidemiology  Unit.

Tinatawag umano itong surveillance upang masiguro na ang mga healthcare workers na nangangalaga o nagma- manage sa COVID- 19 ay walang sakit.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Paliwanag ni Francisco na nilalayon ng Department of Health na ang mga healthcare workers ay walang COVID at hindi pagmumulan ng hawaan.

Kaya naman kahit walang sintomas ay isinasailalim umano ang mga ito sa test.

Noong kasagsagan umano ng pandemya ay maraming health care workers ang tinamaan ng COVID dahil sa exposure ng mga ito sa may sakit.

Ayon pa sa opisyal mayroong specific date na ibinibigay sa PHO para isailalim sa test ang mga health care workers.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

“Surveillance ang tawag diyan, surveillance test ano,” ani Francisco

“Para naman yung mga nag- aalaga, nagma- manage nga ting mga pasyente ay sila ay libre o wala, walang Covid ano ba naman yung nag aalaga ka o tumitingin ka ng mga pasyente tapos ikaw pala ang nanghahawa sa kanila sapagkat ikaw ay positive sa Covid ano, so siguro ini- ensure lang ng ating DOH na ang ating mga health workers ay talagang free from Covid.”