Lalaking umano’y lango sa alak, arestado sa kasong alarm and scandal sa Malilipot, Albay

Sa kulungan ngayon ang bagsak ng isang 44 anyos na lalaki sa Purok 6, Brgy. San Isidro, Malilipot, Albay matapos mag-amok at maging sanhi ng takot sa mga residente ng nasabing bayan.

Kinilala ang suspek na si alyas “Andi”, pedicab driver sa nasabing barangay.

Ayon sa report ng Malilipot Municipal Police Station (MPS), bandang alas tres ng hapon nang may isang concerned citizen ang magpaabot sa kanila ng ulat tungkol sa isang lalaking ‘di umano ay nag-aamok sa kanilang barangay.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng nasabing himpilan upang beripikahin ang nasabing report.

Ayon sa pulisya, naabutan ng kanilang mga tauhan ang suspek na umano’y lango sa alak na nagsisisigaw sa gitna ng kalsada.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sinubukan naman itong pakalmahin ng mga pulis ngunit hindi naman sila pinansin kaya’t agad na itong inaresto.

Sa ngayon, ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng nasabing himpilan para sa kaukulang disposisyon.