Nagsagawa ng rollout BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) program ang Sorsogon Police Prov’l Office sa lungsod sa pangunguna ni Police Director PCol Dionisio Laceda na ginawa sa city terminal sa ilalim ng Savemore, Brgy Sirangan.
Dinaluhan ito ng transport group bilang pagpapakita ng pakikiisa at pagsuporta sa naturang programa ng DILG.
Ang pagtitipon ay naglalayong panatilihin na matatag ang pangako ng transport sector na suportahan ang paghahanap para sa isang drug free na bansa.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga pinuno ng ibat-ibang ahensya ng lokal na gobyerno na makipag-usap sa mga chairman at miyembro ng ibat-ibang transport group.
Ang mga kalahok ay nagsagawa ng kanilang Oath of Commitment, namigay naman ng BIDA stickers ang Pulis Kasanggayahan at food packs naman mula sa City LGU.
Ayon sa DILG, ang BIDA Program ay isang multisectoral na approach dahil ang problema sa iligal na droga ay isang malalim na isyu na patulyo na sumisira sa relasyon, pamilya at kinabukasan ng kabataan, at panahon aniya na para sa lahat ng sector ng lipunan na manindigan at gawin ang kanilang bahagi sa pamamagitan ng BIDA program.
