Mahigit 1.3 milyon bakunado na VS COVID-19 sa Camarines Sur; pero aktibong kaso ng sakit umakyat  na sa 44

NAGA CITY- 1, 316, 100 na ang bakunado laban sa COVID-19 sa Camarines Sur. Ang bilang na ito ay 77% pa lamang ng mahigit 1, 690,000 na target.

Ito ay base sa tala ng Department of Health Bicol sa update kahapon. Marami man ang bakunado marami na ang aktibong kaso ng sakit ngayon.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa record na inilabas ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO) makikita na may 4 na bagong nag positibo, sila ay mga residente ng Catagbacan, Goa;  Cadlan,  Pili; San Gustin sa Nabua; at Barangay San Lucas  Poblacion Camaligan. Dalawa naman ang nakarekober.

Ang Camarines Sur ay may 17, 081 na cumulative cases. 16, 409 dito ang gumaling na at may nasawi na 630.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa panayam ng Brigada Nes FM Naga kay Dr. Rey Millena ng DOH-Camarines Sur , sinabing nag-aalala sila sa sitwasuyon lalo na kakaunti ang nagpapa booster shot. Hindi pa nga naabot ang 20% sa lalawigan.

Mungkahi nito, magpabooster dahil nawawala ang bisa ng unang dose at maghigpit muli sa mga establishments.