NAGA CITY- Sabay na nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Agribusiness sa Garchitorena, Camarines Sur ang mag-ina na sina Marc Charls P. Bien at Marializa P. Bien.
Ang mag-ina ay kasama sa 80 estudyante na 1st batch sa Governor Mariano E. Villafuerte Community College.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga sa 25-anyos na si Marc sinabi nito na nag-aral na siya sa Naga noon subalit malayo , lumipat sa Caramoan pero natigil kaya nang magbukas ang paaralan sa sarili nilang bayan, hindi na pinalampas ang pagkakataon.
Kwento naman ng 46-anyos na si Mrs. Bien, kulang na kulang ang kakayahan ng kaniyang pamilya noon sa Mindanao, nag self-supporting student ngunit mas mawili sa trabaho at nakapangasawa.
Noong nagbukas ang pampublikong paaralan , hindi siya nag dalawang isip na mag exam at mag enroll. Nag exam din ang kaniyang mister pero hindi na itinuloy dahil kung magiging abala wala nang susuporta sa pag-aaral niya at kaniyang anak.
Ilan sa mga kurso roon ay Bachelor of Technical Vocational Teacher Education Major in Automotive, Bachelor of Technical Vocational Teacher Education Major in Computer Hardware Servicing at Bachelor of Science in Agribusiness.