Mahigit ₱500k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa tricycle driver sa Lucena City

Arestado ngayon ang isang lalaki matapos itong makumpiskahan ng mahigit ₱500,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Isabang, Lucena City nitong Linggo, Abril 14.

Sa pamamagitan ng drug buy-bust operation, nadakip ang suspek na si alyas “Inok”, 29-anyos, bandang alas-2:17 ng madaling araw matapos makabili ang isang poseur buyer ng hinihinalang shabu mula sa kanya.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kasabay nito, nasamsam din mula sa suspek ang isang (1) tricycle at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.