Mahigit 100 na mga indibidwal sa Tacurong, benepisyaryo ng TUPAD

KORONADAL CITY – NASA 110 na mga indibidwal sa lungsod ng Tacurong ang isinailalim sa orientation at contract signing para sa Department of Labor and Employment’s o DOLE Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program.

Ito ang pinangunahan ng opisina ni Senator Loren Legarda sa City Cultural and Sports Center.

Ang TUPAD isang DOLE program na may layuning na mapunan ang temporary employment sa mga unemployed at underemployed workers sa lungsod.

Sa loob ng 10 araw na pagtatrabaho, ang mga benepisyaryo ang hinati sa dalawang grupo.

Ang unang grupo ay magsasagawa ng bagging ng seedlings sa Nursery sang City Environment & Natural Resources Office sa Barangay Upper Katungal samantala ang isang grupo naman ay magsasagawa ng paglilinis sa center islands sa kahabaan ng national highway.

Ang bawat benepisyaryo ay makakakuha ng arawang sahod na P403 sa loob ng 10-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *