Hustisya ang sigaw ngayon ng ina ng isang 19-anyos na kadete ng isang maritime school sa Laguna.
Kung maaalala, namatay ang kadeteng si Vince Andrew delos Reyes dahil sa umano’y pagpapahirap sa kaniya ng kaniyang senior.
Sa imbestigasyon, lumabas na pinarusahan ang bitkima dahil nag-thumbs-up emoji lang ito sa kanilang group chat, imbis na mag-acknowledge nang pormal.
Matapos ang isang ‘physical exercise’, nahirapan umano itong huminga, at nawalan ng malay.
Sinubukan pa itong dalhin sa Global Care Medical Center Canlubang, pero idineklara ring dead-on-arrival.
Sa isang panayam, sinabi ng kaniyang ina na si Ana delos Reyes na pipilitin nyiang tanggapin ang pangyayari kahit na mahirap.
Kuwento ni Ana – mabait at tahimik si Vince at nagdududa siya sa mga sa dahilan ng pagkamatay nito, lalo na’t hindi raw malinaw ang sagot ng mga testigo tungkol sa insidente.
Sa ngayon, patuloy pa rin umano silang hihingi ng katarungan para sa pagkamatay ng kaniyang anak. (BRIGADA INTERN ANGELA BRAZAS)