Maguindanao plebiscite, naging mapayapa

‘So far, so good’

Ito ang naging assessment ng mga election officers sa isinagawang plebisito sa Maguindanao ngayong araw.

Kaninang alas-tres ng hapon ay opisyal nang nagsara ang Maguindanao plebiscite na layong hatiin ang Lalawigan sa dalawa.

Ayon kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Election Dir. Ray Sumalipao, walang naitala ‘ni isang mga untoward incidents sa mga munisipalidad at mga siyudad ngayong araw.

Ito rin ang naging assessment ng mga law enforcers sa lugar.

Sa pulong balitaan, sinabing walang na-monitor na mga banta ang mahigit sa 3,700 mga Army personnel; at mahigit 2,000 mula sa hanay ng PNP sa iba’t ibang mga presinto.

Read More:  DICT confirms online posts encouraging people to cause trouble at the Senate

COMELEC, dumipensa sa mababang voter turnout

Nanindigan si Commission on Elections chairperson George Garcia na matagumpay pa ring maituturing ang isinagawang Maguindanao plebiscite.

Hanggang kaninang alas-dose kasi ng tanghali, aabot pa lamang sa 56% ang bilang ng mga nagsipagboto para sa paghahati ng Lalawigan sa dalawa.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Garcia na ‘convincing number’ pa rin ito. Sa katunayan, maabot lang ang 40% ng voter turnout ay mataas na itong maituturing.

Dagdag pa ng poll body chief, hindi talaga maikukumpara rito ang mga national at local elections, dahil ‘historically’ – mas mababa talaga ang bilang ng mga bumoboto sa t’wing may idinaraos na mga plebisito.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Ang mahalaga aniya sa ngayon, hindi mag-focus sa bilang ng mga bumoto, kun’di ay kung maayos ba itong nasagawa.

Ani Garcia, magandang senyales ng pag-progreso ng Lalawigan ay ang walang naitalang namimilit at nananakot sa mga botante.

Nanindigan din si COMELEC spokesperson Dir. John Rex Laudiangco na hindi mababa ang bilang ng mga bumoto at sa katunayan ‘record-breaking’ pa nga raw ito.

Sa pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni Laudiangco na lumagpas ba sa 70% ang voter turnout.

Ito aniya ang pinakamataas na bilang ng mga bumoto sa sa kasaysayan ng bansa pagdating sa mga isinasagawang plebisito.

Alas-sais nag-convene ang provincial board ngunit agad din itong sinuspinde para sabayan na lamang ang canvassing bukas, araw ng Linggo sa 36 na mga bayan sa Lalawigan.
#