Niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang kalupaan ng Surigao Del Norte ngayong araw ng lunes dakong 1:33 ng madaling araw ayon sa PHIVOLCS.
May lalim ito na 25 kilometro.

Samantala, naramdaman ang Intensity I sa Dulag, Leyte; Borongan City, at Quinapondan sa Eastern Samar.
Intensity II naman sa Surigao City at Surigao del Norte habang Intensity III naman sa bahagi ng Hinunangan at Southern Leyte.
Dagdag naman ng PHIVOLCS, wala naman naitalang damages sa naturang lugar ngunit patuloy pa rin aasahan ang ilang aftershocks mula rito. (Brigada Intern-JC JAVIER)