Sen. Bong Revilla, personal na bumisita sa ilang evacuation centers sa Albay; PHP5,000 halagang asistensya, ipinamahagi sa bawat pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Personal na bumisita si Chairman of Committee on Public Works, Senator Bong Revilla sa lalawigan ng Albay partikular sa mga ilang mga evacuation centers dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng Bulkang Mayon.

Layunin ng senador sa kanyang pagbisita sa lalawigan ay upang makapamahagi ng tulong para sa mga pamilyang lubos na naapektaran ng pag-aalburoto ng Bulkan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nilibot ni Revilla ang mga bayan na mayroong mga lugar na pasok sa permanent danger zone ng bulkan na kinabibilangan ng Sto. Domingo, Malilipot, Guinobatan, Camalig at Daraga upang mamigay ng asistensya tulad ng family food packs.

Maliban sa mga ito, nakatanggap pa ang bawat pamilyang nasa evacuation centers ng aabot sa PHP5,000 halaga ng financial assistance.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon sa senador, nakita niyang alerto naman ang bawat lokal na pamahalaan ng mga apektadong lugar at tiniyak niyang palagi naman umanong alerto at nakasuporta ang national government kahit pa itaas ang alert level ng bulkan.

Samantala, kasama naman ni Revilla ang ilang mga opisyal ng gobyerno sa pamamahagi ng nasabing mga tulong.