PCG, walang naitalang oil spill sa nasunog na barko sa Bohol

Tinutukoy pa rin ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkasunog ng MV Esperanza Star – ang passenger and cargo vessel na nagliyab sa karagatan ng Western Bohol.

Ayon kay Lt. Wenceslao John Wenceslao – Commander, Philippine Coast Guard – Western Bohol kaagad nilang naagapan ang sunog at nailigtas ang mga sakay nito dahil ang apektadong parte na nagtamo ng malalang pinsala ay sa may bandang likuran lamang nito.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Sa hiwalay na panayam, nilinaw ni PCG Spokesperson Rear Adm. Armand Balilo, na walang oil spill na nakita sa kanilang inisyal na imbestigasyon.

Sa ngayon, inaalam na raw ng PCG kung may sapat bang dokumento ang barko at kung clearance ba ito bago maglayag. Responsibilidad na rin daw ng MARINA ang seaworthiness ng barko.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Samantala, pinapapatuloy nila ang pagsisiyasat patungkol sa naunang report na mula sa engine room kung may likido o iba pang bagay na posibleng pinagmulan ng sunog.