Magnanakaw ng laptop, sapul sa CCTV

Sapul sa cctv camera ang pagnanakaw sa loob ng tahanan sa Brgy. Sta. Monica nitong umaga ng Miyerkules, ika- 18 ng Agosto.

Ayon kay Vanessa Mae Dela Vega, pasado alas 4:00 madaling araw kahapon nangyari ang pagnanakaw sa kanilang bahay sa Purok Princeville Bgy. Sta Monica Puerto Princesa City.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Umakyat sa bakod at dumaan sa bintana ang suspek.

Nakita na lamang ang ibang gamit sa kabilang lote ng pamilya.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Tinangay ng magnanakaw ang 2 laptop na gray (HP Pavilion at Acer Aspire 5) nakuha rin ang smart watch, Huawei phone at cash.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek na nasa CCTV footage.