Vaccination sa mga A2 at A3, tinututukan ng DOH 12


KORONADAL CITY- NANANAWAGAN si Department of Health o DOH 12 Assistant Regional Director Sulpicio Henry Legaspi Jr sa mga senior citizens at mga may comorbidities na magpabakuna na upang maproteksyunan laban sa COVID 19.

Inihayag ni Legaspi na maliit na porsiyento pa lamang ang nababakunahan sa mga nasa A2 at A3 priority groups kung kayat hinihikayat nito ang mga kabilang sa naturang grupo na magpalista na sa mga health centers upang maturukan ng COVID 19 vaccine.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Binigyang diin nito na karamihan sa mga pasyente na namamatay sa COVID 19 ay mga matatanda at mga may comorbidities.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Ngunit, mataas aniya ang tyansa ng mga ito na makasurvive kung ang mga ito ay fully vaccinated.
Sa ngayon, nakatutok ang DOH sa vaccination sa mga A2 at A3.