‘Mastermind’ sa likod ng illegal POGO sa bansa, hindi lang umano mga dayuhan kundi may Pilipino rin

Ipinunto ni Senador Win Gatchalian sa naging occular inspection sa Lucky South 99 na napag-alaman nilang hindi lang mga banyaga o dayuhan ang tumatayong ‘mastermind’ sa likod ng mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Dahil base umano sa mga nakalap nilang impormasyon, makikitang maging mga Pilipino ay nagiging ‘mastermind’ na sa pamamalakat ng POGO.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Anya, ang mga sindikato sa POGO ay mga banyaga o dayuhan na nagsimula sa labas ng Pilipinas at di kalaunan ay nagkaroon ng koneksyon sa bansa sa pamamagitan ng mga Pilipino na siyang naging kasama na nila sa negosyo.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Dagdag pa niya, mayroon din silang nakuhang mga impormasyon na private individuals umano ang kasabwat ng mga ito lalo na’t napakalaki ng kitang maaring makuha sa pagpapalakad nito.

Samantala, iginiit naman din ng senador na kailangang panagutan ng lokal na pamahalaan ng Porac, Pampanga ang naging illegal na operasyon sa naturang lugar.