Magkapatid na itinuturing na Rank 7 at 10 Municipal Most Wanted Persons sa Bayan Ng Sta Elena, naaresto ng mga otoridad

CAMARINES NORTE- Napasakamay na ng mga otoridad ang magkapatid na itinuturing na ikapito at ikasampu sa mga Municipal Most Wanted Persons sa bayan ng Sta Elena

Sa pinagsanib pwersa ng mga otoridad nitong Agosto 27, 2021 dakong 5:00 ng hapon sa Barangay Tabugon, Sta. Elena, Camarines Norte ay inaresto ang mga akusado na kinilalang sina alyas “TOTOY” na nakatala bilang Ranked Number 7, 25 anyos, isang electrician at alyas “BIBOY” na itinuturing na Ranked Number  10, 27 anyos, pawang mga residente ng Purok 1, Brgy. Poblacion, Sta Elena, Camarines Norte.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Si TOTOY ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape in relation to RA 7610 at Rape in relation to RA 7610 na may parehong petsang September 15, 2015

Samantalang si BIBOY ay naaresto sa kasong Rape in relation to RA 7610 na may petsang June 17, 2015,

Ang mga warrant of arrest na inihain sa mga nabanggit na akusado ay mula sa sala ni Hon.Roberto A Escaro ng Branch 64, Labo, Camarines Nortekung saan parehong walang rekomendadong piyansa.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ayon sa ulat, ang magkapatid ang akusado sa pang aabusong sekswal sa mismong pinsan ng mga ito na naganap noong Hulyo 14, 2014 sa Purok 1, Brgy. Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte.

Sa kasalukuyan, ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng CIDG  Camarines Norte para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.