Shiela at Alice, hindi tunay na magkapatid

Kinumpirma sa naging pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights ni Shiela Guo na hindi sila tunay na magkadugo ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Kwento niya, tumatayong ama lang sa kanya ang tatay ni Alice ngunit hindi ito ang totoo niyang ama.

Tumanggi naman siyang pangalanan ang totoo niyang ama dahil mayroon na umanong kaso kaugnay dito na nakahain laban sa kanya.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Samantala, ibinahagi naman niya na ang tunay niyang nanay ay nasa China at hindi ito si Wen Yi Lin.