Dumalo si Pangulong Bongbong Marcos kahapon sa National Convention at General Assembly ng Partido Federal ng Pilipinas na ginanap sa isang hotel sa Maynila.
Binigyang-diin ng Pangulo sa kanyang talumpati, na kailangan na nilang unti-unting kumilos para paghandaan ang paparating na 2025 national election.
Ngayon pa lang, inaayos na ng PFP ang kanilang magiging senatorial line up, ilang linggo bago ang pagsisimula ng filing ng certificate of candidacy.
Nais na rin ng Pangulo na may mai-assign nang mangunguna sa ilang komite tulad ng logistics, scheduling, pati sa financing ng kanilang partido.
Ayon sa Pangulo, kailangan nilang makabuo ng leadership sa partido na syang mangunguna sa pag organisa ng mga magiging aktibidad.
Kasabay nito inanunsyo rin ng Pangulo na magkakaroon ng Convention ang lahat ng mga party members ng kanilang alyansa sa darating na Sept 28.
Mababatid na nakipag alyansa ang PFP sa mga malalaking political party sa bansa para raw sa isinusulong nyang Bagong Pilipinas.