Natapos na ng Philippine National Police (PNP) ang ginawang medical assessment at evaluation kay Apollo Quiboloy.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, noong Byernes ito isinagawa kay Quiboloy ng mga doktor mula sa PNP General Hospital.
Nakatakdang isumite ng PNP ang findings ng medical assessment at evaluation kay Quiboloy sa korte.
Paliwanag ni Fajardo, sa ngayon hindi pa ito maaaring isapubliko dahil narin sa confidentiality.
Matatandaang naghain ng mosyon sa Pasig Regional Trial Court Branch 159 ang kampo ni Quiboloy para mailipat ito sa isang ospital sa Davao City.
Ipinag utos din ng korte na suriin si Quiboloy ng mga government doctors dahil sa kanyang existing medical conditions upang matukoy kung karapat dapat ba itong payagang maisailalim sa hospital arrest.