3 kandidato, magkakatunggali sa pagkagobernador sa Isabela

Magkakatunggali ang tatlong personalidad sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Isabela matapos ang pormal na paghahain ng kanilang Certificate of Candidacy.

Ayon  kay Isabela Provincial Election Supervisor Manuel Castillo Jr, nasa 46 ang naghain ng certificate of candidacy para sa provincial positions.

Kaugnay dito, batay sa listahan ng mga nahain ng COC sa COMELEC-Isabela, muling tatakbo sa pagkagobernador si Gov. Rodito Albano III sa ilalim ng PDP-Laban.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Naghain din ng kandidatura sa parehong posisyon si Glorieta Almazan (Independent) at Romeo Carlos ng Philippine Green Republican Party.

Habang unopposed naman o walang kalaban sa pagka-bise gobernador si Vice Gov. Bojie Dy.

Mula sa Sangguniang Panlalawigan Member position, nasa 25 na kandidato mula sa anim na distrito ng Isabela ang naghain ng kanilang kandidatura.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

17 naman na kandidato ang naghain para sa  House of Representatives sa anim na Legislative District.

Muli namang ipinaalala ni Atty. Castillo na bagaman mayroong Supreme Court Case na hindi pinagbabawalan ang pangangampanya ay huwag aniyang samantalahin ito ng mga kandidato upang magsagawa ng maagang campaigning kundi maghintay na lamang ng campaign guidelines mula sa COMELEC.