Mag-asawang nasa MMWP sa bayan ng Labo, Camarines Norte nadakip sa Camarines Sur

CAMARINES NORTE- Nahulog na sa kamay ng mga otoridad ang nasa una at ikalawa sa listahan ng Municipal Most Wanted Persons ng bayan ng Labo, Camarines Norte matapos na ikasa ang Manhunt Charlie Operation ng pinagsanib pwersa ng mga operatiba dakong 2:30 ng umaga sa Zone 10A, Barangay Caranan, Pasacao, Camarines Sur.

Ang mga akusado ay kinilalang si Allan Quinito Y Verganio, 39 taong gulang, isang magsasaka at ang asawa nitong si Minda Quinito Y Barrameda, 35 taong gulang at kasalukuyan nang naninirahan sa nabanggit na lugar

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa bisa ng mandamiento de aresto na may petsang April 11, 2021 na ipinalabas ni Honorable Alma Balilio Operio, Presiding Judge ng Regional Trial Court- Branch 64, Labo, Camarines Norte ay inaresto ang dalawa para sa kasong Murder na walang rekomendadong piyansa.

Napagalaman na ang magasawa ay labing tatlong taon nang nagtatago sa batas matapos na masangkot ang mga ito sa kasong pagpatay sa isang nagngangalang Elizardo Cuela na naganap noon pang 2008 sa Purok 4, Brgy. Dalas, Labo, Camarines Norte.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon sa mga imbestigador, nauna nang naaresto ang ama ni Allan Quinito Y Verganio na si Dante Quinito Y San Juan  noong taong 2009 sa pareho ring kaso.

Sa kasalukuyan ang mga nadakip ay nakakustodiya na sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon

(photo courtesy: CNPPO)